Bandilang Pula

Awit Ng Manggagawa

Pebrero 1971


Written by: Anoymous;
Published: Bandilang Pula, Ika-5 ng Pebrero 1971;
Source: Bandilang Pula, Ika-5 ng Pebrero 1971
Markup: Simoun Magsalin.


Bangon sa pagkakagupiling,
Bangon ka uring alipin
Sa daigdig iyong pilitin
Demokrasya’y tanghalin.

Halina at ating usigin,
Laya nati’y sinisiil
Buhay dugo ay puhunanin
Tanikala ay lagutin.

Ito’y huling paglalaban
Tunay na kalayaan
Ng manggagawa sa buong daigdigan.

Wala tayong maaasahang
Lingap sa mga gahaman
Kaya tayo’y magbagong buhay
Hirap nati’y lunasan.

Manggagawa huwag mong tulutan
Apihin ka habang buhay
Hanapin mo ang kalayaan
Panlulupig ay wakasan.

Ito’y huling paglalaban
Tunay na kalayaan
Ng manggagawa sa buong daigdigan.